* Profile *
~ joycee ~ ~ 17 ~ ~ senior high baby ~ ~ type a ~ ~ leo ~ ~ the snake ~
likes
~ black ~
dislikes
~ worms ~ * Archives * November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 April 2007 May 2007 June 2007 August 2007 December 2007 February 2008 April 2008 May 2008 June 2008 September 2008 October 2008 January 2009 March 2009 * Links * ~ angeline ~ ~ bea ~ ~ cybelle ~ ~ erdie ~ ~ fiona ~ ~ haizell ~ ~ karr ~ ~ kate ~ ~ kuya marlo ~ ~ mahonri ~ ~ mayee ~ ~ mica ~ ~ pat ~ ~ paul ~ ~ ros ~ ~ sop ~ ~ steph ~ * Tagboard * Free shoutbox @ ShoutMix |
* Friday, January 23, 2009 * Grabbed from julirose. akalain mong may gumawa na din pala ng sagot, bukod sa notes ni klyonne. :)) Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang mag-salita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad yata? Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman nagpakipot.. "easy to get" naman ang tingin sa iyo. Hindi ka na seseryosohin. Teka! Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at mapagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. "Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo" Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba! masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo: "demanding ka." Meron ka pang maririnig na: "I think we need space.", ..........at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo yon. Kaya kami, walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh. Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami. Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math! Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?! Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama. Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos kami. Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.. Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice... Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo.." Lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan. Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato.Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa? Post-break up. Mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga. Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. PUTANGINA SAKLAP DIBA? * Thursday, January 22, 2009 * reposted from tiff. 'di ako sang-ayon, pero nakakaaliw din basahin. :) *gabe. usapang lalake* Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba. *hinga ng malalim* Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal. *tingin sa stars* Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo? *tingin sa malayo* Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.
sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod.
Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten,
Wala tayong magagawa, marami silang alibi. “Hindi pa ‘ko ready eh..”,
“Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha..” “Better luck next time na lang muna, okay lang?”, “Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”, “Para lang kitang kapatid e..”, yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten. *kuha ng bote ng beer* At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo. Sila? Ummm… Teka, isipin ko. Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga. *kuha ng bote ng beer* Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun. *hinga ng malalim* Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Mas mature?
*hinga ng malalim* At ito pa ang pinakamasaklap. *singhot* Ang ending ng relasyon. At ano pa ang kasamang hassle don? *iiling* Tayo siyempre ang mga antagonist Ang ending: Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Ako, kamusta? Eto. Ang mga babae talaga, oo. |
Layout * shadowmist |